Iginiit ni dating Subic Bay Metropolitan Administration Chairman Martin Diño na hindi siya maaaring basta alisin sa pwesto alinsunod sa batas.
Ayon kay Diño, kung may mabigat na dahilan para siya masibak sa pwesto ay aalis siya pero kung mismong ang Pangulo ang nag-utos ay wala na siyang magagawa kundi sundin ito.
Pinag-sususpetsahan naman ni Diño si S.B.M.A. Administrator Wilma Eisma na nasa likod ng mga reklamo at pagpapatalsik sa kanya sa pwesto na kanyang inakusahan na “Dilawan”.
Samantala, nilinaw ng dating S.B.M.A. Chairman na hindi pa siya itinatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kahit anong posisyon sa Department of Interior and Local Government.