Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit niya pinalitan si dating Chairman Martin Diño sa SBMA o Subic Bay Metropolitan Authority.
Ito’y makaraang maglabas ng kautusan ang Pangulo na nagtatalaga kay SBMA administrator Wilma Eisma bilang chairman na rin ng nasabing ahensya.
Una nang inihayag ni Diño na kinausap siya ng Pangulo para ipaliwanag ang pagkakatanggal niya sa SBMA at i-alok sa kaniya ang posisyong Undersecretary for Barangay Affairs sa ilalim ng DILG o Department of Interior and Local Government.
Kasunod nito, kinumpirma ng Pangulo sa isang panayam sa kaniya sa telebisyon na kinausap nga niya si Diño para alukin ng puwesto bilang undersecretary ngunit hindi naman binanggit kung saang kagawaran ito ilalagay.
—-