Hinimok ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na iakyat sa Senado ang pagpapatalsik sa kanya.
Ayon kay Sereno, walang saysay ang desisyon ng Korte Suprema na patalsikin sya sa pwesto batay sa Quo Warranto Petition.
Kung totoo aniyang may probable cause ang legasyon laban sa kanya bakit natatakot ang kanyang mga kalaban na iakyat ang mga kaso sa Senado.
Samantala, hindi rin pinalampas ni Sereno ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito magtatalaga ng pulitiko at babae bilang Ombudsman.
Ayon kay Sereno, ang pahayag ng Pangulo ay pagpapakita lamang ng Anti – Women Attitude.
Kaugnay nito, hinimok nya ang Pangulo na sumunod sa konstitusyon na nagbibigay ng pantay na oportunidad sa lalaki at babae.