Nagpahayag ng pagkabahala si Retired Supreme Court Justice Vicente Mendoza kaugnay sa isinusulong ng administrasyong Duterte na amyendahan ang konstitusyon tungo sa bagong porma ng gobyerno na Pederalismo.
Ayon kay Mendoza bukod sa maaari itong maging dahilan ng pagkakawatak – watak ito rin ay sensitibong hakbang lalo na’t may ilang mga nanunungkulan sa pamahalaan na nais gamitin ang pag amyenda sa konstitusyon upang magtagal sa kanilang posisyon.
Dagdag pa ni Mendoza, kung nais palakasin ang kapangyarihan at kakayanan ng mga bayan, siyudad, lalawigan at rehiyon na isa sa puntirya ng Pederalismo kailangan lang sagarin ang desentralisasyon ng kapangyarihan at pondo ng hindi binabago ang konstitusyon.