Nanumpa na si dating Senador Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs o DFA.
Ginanap ang oath taking ceremony sa Presidential Guest House sa Panacan, Davao City noong Huwebes, Mayo 18.
Matapos makumpirma si Cayetano sa Commission on Appointments (CA), nagtungo siya sa Davao kasama ang kanyang pamilya para manumpa sa harap ng Pangulo.
Kasama ng kalihim ang asawang si Taguig City Mayor Lano Cayetano, Senador Pia Cayetano at film director Lino Cayetano.
By Meann Tanbio | With Report from Aileen Taliping