Pinawalang sala ng Sandiganbayan second division si dating Senate President Juan Ponce Enrile.
Kaugnay ito sa kasong isinampa laban kay Enrile ng business tycoon na si Eduardo Danding Cojuangco hinggil sa Behest Loans Sampung taon na ang nakalilipas.
Batay sa resolusyon ni Sandiganbayan Justice Michael Musngi, ibinasura nito ang inihaing motion for reconsideration ng kampo ni Cojuangco nuong 2005.
Nag-ugat ang kaso mula sa mga pautang na iginawad ng Development Bank of the Philippines para sa Northern Cement Corporation.
Gayundin ang paggagawad ng utang para sa Alpha Integrated Textile Mills para paboran naman ang Southern Textile Mills at ang pautang ng Philippine Tourism Authority para sa Holiday Villages at Coral Island Resort.
Ang Behest Loans ay ang pautang mula sa mga kumpaniyang pagmamay-ari ng cronies tulad ni Cojuangco na kilalang malapit kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
By: Jaymark Dagala