Pinayagan ng fifth division ng Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada na makalabas ng bansa sa loob ng isang buwan.
Ayon kay Estrada , bibiyahe siya patungong Amerika sa April 30 para magsilbing speaker sa pulong ng US Pinoys for Good Governance.
Nahaharap si Estrada sa kasong plunder kaugnay sa PDAF Scam.
Samantala, pinayagan din ng nabanggit na korte si Ifugao Representative Teddy Baguilat na maka- biyahe abroad.
Sinabi ni Baguilat na magtutungo siya sa Berlin, Germany para sa isang study visit program simula April 6 hanggang 15.
Nahaharap ang Kongresista sa kasong katiwalian dahil sa sinasabing pagbili ng overpriced na sasakyan na hindi dumaan sa public bidding noong siya ay gobernador pa ng lalawigan ng Ifugao.