Patuloy pa ring binibisita ni former Senator Jinggoy Estrada ang kanyang besftriend na former Senator Bong Revilla sa PNP Custodial Center.
Sa panayam kay former Senator Jinggoy Estrada sa programang Usapang Senado with Cely-Ortega Bueno, sinabi niya na halos araw araw ay kanyang binibisita ang kanyang kaibigan sa PNP Custodial Center upang damayan ito sa kalungkutan at bigyan ng moral support ang nasabing dating Senador.
Ayon kay dating Senador Estrada, inalaan muna nya ang unang linggo ng kanyang pagkakalaya mula sa PNP Custodial Center sa kanyang pamilya, lalong lalo na sa kanyang anak na hindi nakapiling sa loob ng 3 taong pag kakapiit sa custodial center.
Dagdag pa ni Estrada na naging emosyonal ang kanilang paghihiwaly ni Revilla noong lumaya ito sa Custodial Center at binigay na lamang nito ang kanyang mga dating gamit kay Sen. Revilla tulad ng mga cabinet, lamesa, upuan at pati umano mga tsitsirya.
Umaasa pa rin ang dating Senador na mapagbibigyan din ng pagkakataon si Sen. Bong Revilla na makapag piyansa upang makapiling din nito ang pamilya.
Iikot din umano sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas si dating Sen. Jinggoy upang pasalamatan ang mga taga suporta nito sa kanilang patuloy na pagdarasal at upang mas marami umano itong matulungan sa kanyang pagbisita.