Kampante pa rin si dating Senador Bongbong Marcos na mapapatalsik niya sa pwesto si Vice President Leni Robredo sa pamamagitan ng inihaing electoral protest.
Ayon kay Marcos, sa oras na magsimula ang re-count ay lalabas ang tunay na resulta at mapapatunayang mali ang pagkakabilang sa mga boto sa Vice Presidential election.
Magugunitang inakusahan ng dating Senador si Robredo na dinaya umano ang resulta ng Vice Presidential race noong 2016 national elections.
Samantala, muling tiniyak ni Marcos na handa ang kanilang panig na makipagtulungan sa gobyerno upang marekober ang mga tago umanong yaman ng kanilang pamilya.