Nagpasalamat si dating Senador Bongbong Marcos sa desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot nang maihimlay ang kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon sa dating Senador, lubos din ang pasasalamat ng kanyang pamilya kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa masigasig nitong pagtutok sa isyu.
Umaasa si Marcos na magtutuluy-tuloy tungo sa paghilom ng mga sugat ng nakaraan para sa buong sambayanan ang naging desisyon ng Korte Suprema.
By: Avee Devierte