Wala pa umanong hawak na ebidensya si dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, isa sa mga legal counsel ni Robredo, patuloy ang anito’y ‘fishing for evidence’ ni Marcos bago ang isasagawang preliminary conference ng PET o Presidential Electoral Tribunal sa electoral protest nito.
Sinabi ni Macalintal na malinaw na pinahahaba lamang ni Marcos ang takbo ng election protest makaraang hilingin nito na isailalim sa technical at forensic examination ang lahat ng mga balota, ballot images, voter’s receipts, pangalan ng mga botante sa voting list at ang election day certified list of voters sa mga lalawigan ng Basilan, Maguindanao, at Lanao del Sur.
Itinakda naman ng PET ang preliminary conference para sa recount sa Hulyo 11, sa halip na sa Hunyo 21.
By Meann Tanbio
Ex-senator Marcos wala pa umanong hawak na ebidensya vs. VP Robredo was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882