Naghain ng motion for reconsideration si dating senador Bong Revilla sa motion to quash counter case na una nang ibinasura ng korte.
Sinabi ng abugado ni Revilla na si Attorney Estelito Mendoza na hindi dapat ituloy ang plunder case laban kay Revilla dahil hindi maituturing na pagdarambong ang inaakusa ng prosekusyon.
Ikalawa, hindi, aniya, ipinabatid kay Revilla ang mga kasong isinampa sa kanya ng ombudsman.
Sinabi rin ng abugado ni Revilla na walang sapat na ebidensya para sabihing nakagawa ng plunder si Revilla at kung may ill-gotten wealth ba talaga ang dating senador.
By Avee Devierte |With Report from Jill Resontoc