Sumakabilang buhay na ang dating Senador at Toledo City Mayor John Henry “Sonny” Osmeña sa edad na 86 kahapon, Pebrero 2,2021.
Batay sa Facebook post ni Toledo City Community Affairs and Development Officer Ferliza Contratista, pumanaw si Osmeña 2:45pm, Martes ng tanghali.
Samantala, hindi pa malinaw sa ngayon ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng dating opisyal.
Matatandaang noong Hulyo nang nakaraang taon, kinumpirma nitong tinamaan siya ng COVID-19.—sa panulat ni Agustina Nolasco