Halos 6 na buwan bago ang May 9, 2022 elections, nanguna si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa presidential survey ng Social Weather Stations.
Sa October 20 to 23 S.W.S. Survey sa 1,200 respondents, umani si Marcos ng score na 47% na sinundan ni Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 18%.
Nasa ikatlong pwesto naman si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, 13%; Senators Manny Pacquiao, 9%; Panfilo Lacson, 5% at Bato Dela Rosa, 5%.
Kinomisyon ang survey ng stratbase A.D.R. Institute ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario.
Ang mga respondent ay binigyan ng tanong na: “kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino ang pinakamalamang ninyong iboboto bilang presidente ng Pilipinas?”
Samantala, nanguna sa vice presidential poll si Senate President Vicente Sotto III, 44%; Davao City Mayor Sara Duterte, 25%; Senator Kiko Pangilinan, 13% ; Dr. Willie Ong, 13% at Buhay Party-List Rep. Lito Atienza, 3%. —sa panulat ni Drew Nacino