Muling naghain ng mosyon sa Sandiganbayan si dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na nahaharap sa mga kasong plunder at graft.
Ito’y para hilingin sa Anti-Graft Court na pansamantalang makalaya para sa nakatakdang operasyon ng kaniyang ama na si Don Ramon Revilla Sr.
Sa kanyang urgent motion sa 1st Division ng Sandiganbayan, hiniling ni Revilla na payagan siyang makalabas sa PNP Custodial Center bukas, Pebrero 8 mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Hiniling din ng dating Senador na payagan din siyang makalabas ng kulungan sa Huwebes, Pebrero 9 mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.
Nakatakdang sumailalim sa transarterial aortic valve replacement si Don Ramon sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig bukas ng umaga.
By Jaymark Dagala | Report from: Jill Resontoc (Patrol 7)