Itatalaga umano bilang bagong kalihim ng DILG o Department of Interior and Local Government si dating Senador Bongbong Marcos.
Ito ang impormasyong nakarating kay Albay Representative Edcel Lagman na miyembro ng tinaguriang Genuine Minority sa mababang kapulungan ng kongreso.
Ayon kay Lagman, ang planong ito umano ang maghahanda kay Marcos sa kaniyang pagtakbo sa pagkapangulo sa taong 2022.
Subalit sinabi ni Lagman na posibleng dumaan sa butas ng karayom ang batang Marcos dahil magkakasama sila ng mahigpit niyang kritiko na si Senador Alan Peter Cayetano.
Sa panig naman ni Representative Tom Villarin, butas ng karayom ang daraanan ni Marcos dahil sa dami ng kaniyang mga kaaway sa pulitika at mahihirapan itong makumpirma sa makapangyarihang Commission on Appointments.
By Jaymark Dagala |With Report from Jill Resontoc