Nanindigan ang kampo ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na kwalipikado itong tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections.
Ito ang nilalaman ng 5 pahinang tugon ng dating senador sa summons ng Commission on Elections kaugnay sa petisyong humihiling na kanselahin ang kanyang certificate of candidacy.
Ang petisyon ay inihaing ni Father Christian Buenafe at iba pang private group, na iginiit na dapat idiskwalipika si Marcos dahil convicted ito sa kasong tax evasion.
Ayon kay dating Solicitor-General Estelito Mendoza, legal counsel ni Marcos, dapat nang ibasura at dinggin ang kaso sa pamamagitan ng face-to-face argument sa halip na virtual o video conference.
Gayunman, sinalag ito ni Mendoza sa pagsasabing kulang sa sustansya ang petisyon, partikular ang alegasyon ng “material representation” na hinahanap sa ilalim ng Section 74 ng omnibus election code.
Ipinunto pa ng dating SolGen na nahalal na noon si Marcos sa pagka-gobernador ng Ilocos Norte, kongresista at senador pero wala namang kumuwestyon sa kanyang kandidatura.