Nagpahayag na si dating Senador Bong Bong Marcos ng kanyang planong pagtakbo sa pagkapangulo.
Ito ay sa kabila ng kabiguang masungkit ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa matapos matalo kay Vice President Leni Robredo nuong 2016 national elections.
Sa panayam ng financial times,target niya sa kanyang political career na masungkit ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.
Sinabi ni Marcos na kanyang isusulong ang pantay na karapatan at oportudidad sa bawat mamayang Pilipino.
Samantala, mabilis namang sinalag ni Marcos ang alegasyon ng korupsyon na ibinabato sa kanilang pamilya.
Iginiit nito na kanilang napalalunan ang lahat ng mga kasong inihain laban sa pamilya Marcos.