Balak na ngayong idawit ng House committee on Good Government and Public Accountability si dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr hingggil sa usapin ng tinaguriang Ilocos 6.
Ito’y makaraang payuhan umano ng dating Senador ang kaniyang kapatid na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na huwag dumalo sa ginagawang pagdinig ng Kamara hinggil sa umano’y anomalya sa paggamit ng tobacco excise tax.
Ayon kay Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel, chairman ng komite, kaniyang kakausapin ang kanilang mga miyembro para talakayin kung anong kaso ang posibleng isampa laban sa dating mambabatas.
Dagdag pa ni Pimentel, matibay ang kanilang hinahawakang ebidensya dahil mismong ang gubernadora ang nagsabi nito na lumabas sa iba’t ibang media organizations gayundin sa social media.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc
Dating Senador Bongbong Marcos nanganganib makasuhan dahil sa Ilocos 6 was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882