Nagdeklara na rin ng kandidatura sa 2022 Presidential Elections si dating Senador Bonbong Marcos.
Ito ang inanunsyo ni Marcos matapos ang kanyang panunumpa bilang Chairman at miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP kahapon.
Ayon kay Marcos, tinanggap niya ang endorsement ng PFP at multi-sectoral groups na maging standard-bearer sa 2022 elections makaraang makumpleto ang consultations sa kanilang grassroots leaders.
Sa kanyang talumpati, nanindigan ang dating Senador sa kahandaang harapin ang mga pagsubok ng bansa nang may pagkakaisa upang makabangon sa matinding pagkakalugmok sa pandemya at economic crisis.
I will bring that form of unifying leadership back to our country.Hangad kong ibalik ang mapagkaisang paglilingkod na magbubuklod sa ating bansa, tayo magkaisa at sama-sama tayong babangon mula sa hagupit ng pandemya, babangon mula sa paglulugmok ng ating ekonomiya. Join me in this noblest of causes and we will succeed sama-sama tayong babangon muli,”pahayag ni dating Senador Bongbong Marcos—sa panulat ni Drew Nacino
Partido Federal ng Pilipinas (PFP) President and South Cotabato Governor Reynaldo S. Tamayo (left) swears in former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. (2nd from left)