Pumanaw na si dating Senador Edgardo Angara sa edad na 83 dahil sa atake sa puso.
Ito ang ipinahayag ng kanyang anak na si Sen. Sonny Angara sa isang tweet ngayong tanghali, Mayo 13.
Dagdag pa ng senador, inaayos na ng kanilang pamilya ang magiging burol ng namayapang ama at nanawagan din ng panalangin para sa kanilang pamilya.
Nagsilbing senate president si Edgardo Angara mula 1993 hanggang 1995. Naging Agriculture secretary din ito noong 1999 hanggang 2001 sa panunungkulan ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Sad to say my father frmr Sen Edgardo Javier Angara passed on from this life this morning at the age of 83, from an apparent heart attack
— Sonny Angara (@sonnyangara) May 13, 2018
We are still arranging funeral arrangements for my father but will keep everyone posted too. We ask for prayers for the repose of his soul
— Sonny Angara (@sonnyangara) May 13, 2018