Naka-half mast ngayon ang bandila ng Pilipinas sa Senado.
Ito’y dahil sa pagpanaw ni dating Senador Eva Estrada-Kalaw sa edad na 96.
Nakatakdang dalhin sa Senado ang labi ni Kalaw sa Huwebes, June 1 para sa Neurological Service.
Si Kalaw ay nagsilbing Senador mula 1965 hanggang 1972, at ang kauna-unahang babae na na-re elect sa mataas na kapulungan.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno