Bukas na makapagtrabaho muli sa gobyerno si dating Senador Jinggoy Estrada.
Kasunod ito ng pansamantalang paglaya niya kahapon matapos na makapag-piyansa ng 1.3-Million Pesos.
Ani Estrada, masaya niyang tatanggapin ang anumang pwesto sakaling alukin siya Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngunit aniya prayoridad niya muna na makasam kanyang pamilya na nawalay sa kanya ng mahabang panahon bago ito sumabak muli sa iba pang gawain.
Samantala, bukas ay agad na sasalang sa pagdinig si Estrada para sa kinahaharap niyang plunder case.
Nabatid na halos tatlong taong nakulong sa PNP Custodial Center ni Estrada kaugnay ng kontrobersyal na PDAF scam.
—-