Nag-volunteer si Dating Senador Juan Ponce Enrile para mapabilang sa prosecution team sa inaasahang impeachment trial ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni House Justice Committee Chair Reynaldo Umali na mismong si Enrile ang nag-alok ng tulong dahil gusto umano nitong ibahagi ang kanyang kaalaman sa proseso ng prosekusyon.
Wala naman anyang kapalit na hinigi si Enrile at para sa bayan lamang anya ang pagtulong nito.
Nagsilbing presiding judge si Enrile sa impeachment trial ni Dating Chief Justice Renato Corona.
Matapos ang halos isang taon, naharap ito sa kasong may kinalaman sa umano’y iligal na paggamit ng pork barrel.
Sumuko siya sa mga pulis sa Camp Crame noong 2014 at taong 2015, pansamantala itong nakalaya hanggang ngayon matapos payagang makapag piyansa.