Nailipat na ng regular na kwarto mula sa ICU (intensive care unit) si dating senador Ramon Revilla Sr.
Ito ang inihayag sa Facebook post ng kaniyang anak na si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.
Ayon kay Bong, patuloy na gumaganda ang kondisyon ng kaniyang ama.
Kasabay nito nagpasalamat ang senador sa mga nagdasal para sa kaniyang ama at hiningi ang patuloy pang pananalangin sa para sa paglakas at pagbuti pa ng kalagayan nito.
Ika-31 ng Mayo nang isinugod ang matandang Revilla sa ospital matapos mahirapang huminga.