Pinasalamatan ni dating Senador Jinggoy Estrada ang mga mahistrado ng Sandiganbayan, ang kanyang pamilya, taga-suporta at ang Panginoon.
Ito ay matapos makapagbayad ng mahigit na Isang Milyong Pisong piyansa at makalaya ang dating Senador.
Ayon kay Estrada, masaya siya na napagbigyan ang kanyang kahilingang makapagpiyansa at makalaya.
Gayunman, sinabi ni Estrada na siguradong mamimiss niya ang kanyang kaibigan at kasama sa PNP Custodial Center na si dating Ramon Bong Revilla jr.
Hindi naman masagot ni Estrada kung muli siyang sasabak sa politika matapos na makalaya pero tiniyak na ipagapapatuloy pa rin ang pagsisilbi sa publiko.
Muling iginiit ni dating Senador Jinggoy Estrada na walang siyang ninakaw mula sa kaban ng bayan.
Ito ay matapos na makapagpiyansa at makalaya ang Senador mula sa pagkakakulong dahil sa kasong plunder at graft kaugnay sa PDAF Scam.
Ayon kay Estrada, ipinauubaya na niya sa Korte ang pagpapasiya sa kanyang kaso at hindi masabi kung tuluyan na itong maibabasura.
Gayunman, iginiit ni Estrada na hindi siya nagkasala sa taumbayan.
Kasabay nito, sinegundahan din ni Estrada ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na naging selective ang Ombudsman sa pagsasampa ng kaso laban sa mga kalaban ng dating administrasyon.
Ulat ni Jill Resontoc
SMW: RPE