Pumanaw na si Senador Miriam Defensor Santiago sa edad na 71.
Ayon kay Jun Santiago, asawa ng senadora, naging mapayapa ang pagyao ng kanyang asawa dahil hindi na ito nagising sa kanyang pagtulog.
Taong 2014 nang ibunyag ni Senador Santiago na mayroon siyang stage 4 lung cancer.
Gayunman, noong nakaraang taon, muli itong naging aktibo sa pulitika at tumakbo pa nitong presidential elections dahil naging maganda anya ang resulta ng kanyang pagpapagamot.
Nakapagsilbi si Senador Santiago sa tatlong sangay na pamahalaan, bilang isang hukom sa judicial branch, bilang kalihim ng department of agrarian reform sa executive branch at bilang senador sa legislative branch.
Remembering Miriam
Sa kanyang matatapang na salita maaalala ang yumaong senador Miriam Defensor Santiago.
Mahilig itong manermon sa mga pagdinig ng Senado.
Ang tinig ni Senator Miriam Defensor Santiago
Pero bukod sa kanyang tapang bilang mambabatas, nakilala rin si Santiago sa kanyang wit at sense of humor.
Ang tinig ni Senator Miriam Defensor Santiago
Sa kanyang madalas na pagsasalita lalo na sa harap ng mga kabataan, tiyak na hindi mawawala ang kanyang mga pick-up lines.
Ang tinig ni Senator Miriam Defensor Santiago
By Len Aguirre