Kasalukuyang naka-confine sa Makati City Medical Center si dating senate president Juan Ponce Enrile makaraang tamaan ng COVID-19.
Tatlong araw nang nasa ospital ang 98-anyos na incoming presidential legal counsel matapos ma-diagnose na mayroong mild COVID pero asymptomatic.
Ayon kay Manong Johnny, nagpaalam na siya kay incoming executive secretary Vic Rodriguez na hindi makadadalo sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos sa Huwebes.
Sa kanya namang facebook post, pinasaringan ng dating defense minister ang kanyang mga kritiko at kaaway sa pagsasabing hindi pa dapat magdiwang ang mga ito dahil hindi pa siya mamamatay.