Hinatulan ng guilty sa kasong indirect contempt ng Himamaylan City Regional Trial Court Branch 55 sa Negros Occidental si dating Sugar Regulatory Administration Chief Hermenegildo Serafica.
Kaugnay ito sa pag-issue ni Serafica ng Memorandum Circular 11 na nagpahintulot sa sugar importation kahit ipinahinto na ng Korte.
Sa labing-isang pahinang desisyon ni RTC Branch 55 Judge Walter Zorilla, pinatawan ang dating SRA administrator ng labinlimang araw na pagkakabilanggo at multang tatlumpung libong.
Mayo a – katro nang ilabas ni serafica ang memorandum na nagpahintulot na ipagpatuloy ang implementasyon ng sugar order number para sa importasyon ng 200,000 metric tons ng standard grade at bottler’s grade refined sugar.
Sa kabila ito ng Writ of Preliminary Injunction na inilabas ng Korte noong Marso a – dos upang pigilan pagpapatupad ng Sugar Order number 3.
Ang nasabing injunction ay may kaugnayan sa petisyon ng Negros Occidental Federation of Farmers Association na tumutol sa pag-aangkat ng asukal sa ilalim ng mga nasabing kautusan ng SRA.