Nakabalik na si Dating Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa sa kaniyang bansa
Ito’y matapos umalis sa bansa noong Hulyo dahil sa kabilaang kilos protesta.
Nanatili pansamantala ito sa Thailand , gamit ang temporary visa.
Sinalubong naman ito ng ilang mga ministers ng Sri Lanka pagdating nito sa paliparan.
Itinalaga naman si Ranil Wickremesinghe bilang bagong pangulo ng nasabing bansa.
Tiniyak naman ng Defense Ministry ng Sri Lanka na kanilang bibigyan ng security ang dating pangulo para mailayo ito sa mga protesters.