Nakapasa sa isinagawang polygraph test ng National Bureau of Investigation ang dating tauhan ni Senador Liela de Lima sa Department of Justice na si Jonathan Caranto.
Ito ay base sa isinumiteng report ng NBI kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre kaugnay sa pagsailalim kay Caranto sa lie detector test upang malaman kung nagsasabi ba ito ng totoo kaugnay ng pagdeposito ng pera sa account ni Ronnie Dayan, alinsunod na rin sa utos ni De Lima.
matatandaang lumabas sa mga balita na umabot umano sa milyung-milyong piso ang naidepositong pera sa account ni Dayan.
pinabulaanan naman ito ni Caranto sa kanyang isinumiteng affidavit sa NBI kung saan nakasaad na sa kanyang pagkakaalaala, sa anim na pagdeposito nito sa accounts ni Dayan ay umabot lamang sa Apatnapung libong Piso ang naipasok sa bawat deposit slips.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 3) Bert Mozo