Inaresto ng awtoridad ang dating suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa siyudad ng Lucena.
Ayon kay Lucena police chief Romulo Albacea, kinilala ang suspek na si Ryan Secretaria, 38 taon gulang, na nagbebenta ng shabu sa barangay Dalahican dakong ala-6 ng umaga.
Nakuha sa suspek ang limang sachet ng shabu na tinatayang higit P30,000.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.–-sa panulat ni Airiam Sancho