Inaresto ng mga awtoridad ang isang dating tauhan ng Department of Justice (DOJ) dahil sa umano’y pangingikil o extortion.
Sa paunang imbestigasyon, kinilala ang suspek bilang si Louie Miranda.
Mababatid na dating nakadestino sa Witness Protection Program (WPP) ng DOJ si Miranda, pero nawala ito sa serbisyo taong 2018.
Bukod dito, nagtrabaho rin si Miranda sa Bureau of Customs.
Isasailalim na sa inquest proceedings si Miranda para sa kasong robbery extortion o pangingikil. —ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3)