Nagpasalamat din si dating Technical Education and Skills Development Authority Director-General Joel Villanueva sa pag-endorso sa kanya bilang senatorial candidate sa 2016 elections ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Ayon kay Villanueva, ang endorsement ng dating pangulo ay maituturing na “blessing” na may kasamang basbas ng masa.
Bagaman kabilang sa senatorial line-up ng Liberal Party, inihayag ni Villanueva na kapwa sila naniniwala ni Erap na ang kakayahan at talento ng mga Filipino ang mag-aangat sa bansa.
Bilang isa anyang dating pinuno ng TESDA, tungkulin din niyang ituloy ang mga sinimulan tulad ng pagbibigay ng edukasyon at trabaho sa kabataan sa oras na mahalal na senador.
By: Drew Nacino