Hinatulan ng limang taong pagkakakulong ang dating pinatalsik na Prime Minister ng Thailand na si Yingluck Shinawatra.
Ito ay matapos mapatunayang guilty ng Bangkok Supreme Court si Shinawatra dahil sa kapabayaan nito at kabiguang mapigil ang katiwalian sa kanyang programa noon sa rice subsidy.
Una rito, sinasabing nagtatago na si Shinawatra sa Dubai kasama ng kanyang kapatid na dati ring pinatalsik na Prime Minister ng Thailand.
Hindi na rin umano dumalo sa mga pagdinig ng kanyang mga kaso si Shinawatra simula noong Agosto 25.
—-