Nahalal bilang bagong pangulo ng South Korea ang dating top prosecutor na si Yoon Suk-Yeol.
Ito’y matapos talunin ang katunggali na si Lee Jae Myung.
Nakakuha ng 48.6% na boto si Yoon habang 47.8% si Lee sa kabuuang bilang na 98% ng mga balota.
Samantala, sinabi ni Yoon sa kaniyang seremonya na bibigyan nitong pansin ang pagkakaisa ng bansa at ang pagtrato nang pantay-pantay anuman ang mga pagkakaiba sa socioeconomic, mga rehiyon at pulitika. —sa panulat ni Airiam Sancho