Humingi na ng public apology si dating Transportation Assistant Secretary Mark Tolentino dahil sa mga pahayag nitong naglagay kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kahihiyan.
Magugunitang sinibak ni Pangulong Duterte si Tolentino matapos nitong magpatawag ng press conference kung saan kanyang isiniwalat ang umano’y iregularidad sa panukalang Mindanao Railway Project.
Pero kahapon, muling nagpatawag ng presscon si Tolentino sa Quezon City upang humingi naman ng paumanhin sa Pangulo partikular ang pagkaladkad sa pangalan ng first family sa kontrobersya.
Aminado ang dating opisyal na hindi niya sinasadyang madamay ang mga kaanak ni Pangulong Duterte.
—-