Binisita ni dating U.S. Vice President Al Gore ang Tacloban City, Leyte na pinaka-matinding hinagupit ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.
Kasama ni Gore na nagtungo sa Tacloban si Senate Committee on Climate Change Chairperson Loren Legarda.
Nasa bansa ang Dating Bise Presidente para sa Climate reality project na idaraos sa March 14 hanggang 16 na dadaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa upang hasain bilang epektibong communicators na magbubukas ng issue ng climate change awareness.
Sinalubong naman si Gore nina tacloban Mayor Alfred Romualdez at asawa nitong si Councilor Cristina Romualdez nang dumating sa tacloban airport kahapon.
Kabilang sa binisita ng dating U.S. Official ang barangay baybay na nasa tabing-dagat at nagtungo sa mass grave ng tinatayang 2,000 nasawi sa pananalasa ng bagyo.
By: Drew Nacino