Pumanaw na ang Nobel peace prize awardee at dating secretary general ng United Nations na si Kofi Annan.
Inulila ng walumpung taong gulang na world leader ang kaniyang asawang si Nane gayundin ang tatlo nilang anak na kasama nito hanggang sa huli.
Ayon sa tweet ng Kofi Annan Foundation, pumanaw si Annan dahil kaniyang iniindang karamdaman na hindi na tinukoy.
Ipinanganak sa Ghana, Africa noong 1938, naglingkod siya bilang ika-pitong secretary general ng United Nations mula 1997 hanggang 2006.
Nagsimula bilang pangkaraniwang staff ng UN nang makatapos ng kolehiyo, pinaglingkuran ni annan ang naturang tanggapan sa loob ng mahabang panahon.
Una rito, naglingkod din si Annan sa WHO o WORLD Health Organization noong 1962 at kinilala bilang Nobel peace prize winner noong 2001.