Tinawanan lamang ni Ilocos Norte 2nd District Rep. Imelda Romualdez Marcos ang kumalat na balita sa social media na yumao na siya.
Kahapon, masigla pang nakipagkuwentuhan si Ginang Marcos sa mga miyembro ng media makaraang dumalo sa sesyon ng mababang kapulungan.
Una rito, umalma ang anak ng dating unang ginang na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa tweet ni Bacoor Mayor Lani Mercado – Revilla na nagpapaabot ng pakikiramay sa pagyao ng kongresista.
Kasunod nito, nagbiro pa si Ginang Marcos na dahil sa nangyari, tiyak na hahaba pa ang kaniyang buhay upang makapaglingkod pa sa taumbayan ng mahabang panahon.
By: Jaymark Dagala