Nagpasya na ang komite na ipa-contempt si Dating Undersecretary Lloyd Christopher Lao dahil sa hindi uli pagdalo sa virtual hearing ng Senate Blue Ribbon Committee.
Si Senator Kiko Pangilinan ang nag mosyon na ipa-contempt si Lao sinegundahan ito Senator Risa Hontiveros bagay na inaprubahan ni BRC Chairman, Senator Richard Gordon.
Dahil pangatlong beses ng hindi nagpapakita sa Lao sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sinabi ni Senator Gordon na dapat lang na i-contempt na ito sa halip na padalhan ng show cause order para pagpaliwanagin.
Si Lao ang Head ng Procurement Service ng Department of Budget and Management noong mabigyan ng multi bilyong pisong halaga ng kontrata ang Pharmally Pharmaceutical Corporation at ilan pang supplier. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19), sa panulat ni Joana Luna