Kinasuhan ng US prosecutors ang dating US Air Force officer dahil sa pang-eespiya para sa Iran.
Taong 2013 nang umalis patungong Iran ang sundalong si Monica Witt matapos magtrabaho bilang US Counter-intelligence Officer.
Sinasabing tinarget ni Witt ang mga kapwa nito intelligence officers.
Kasamang kinasuhan ni Witt ang apat na Iranian na nagtangkang mag-install ng spy software sa mga computer na pag-aari ng mga kasamahan sa trabaho ng sundalo sa Air Force.
—-