Itinalaga bilang acting assistant secretary of state for East Asian and Pacific Affairs si dating US ambassador to the Philippines Sung Kim.
Batay sa pahayag ng Embahada ng Pilipinas sa Amerika, nakipagkita si Kim kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez, tatlong araw matapos itong maitalaga sa isa sa mataas na posisyon sa US State Department.
Ayon sa Philippine Embassy, nakabuo ng maayos na working relationship at naging malapit ang dalawang opisyal noong US Ambassador pa lamang si Acting Assistant Secretary Kim sa Pilipinas.
Samantala, wala pang impormasyon kung pormal nang maitatalaga si Kim bilang assistant secretary of state kapalit ni David Stilwell.