Nagpasalamat si Dating US President George HW Bush at Dating First Lady Barbara Bush sa lahat ng mga nagdasal para sa kanilang kalusugan.
Nakaalis na sa intensive-care unit ng ospital ang 92 taong gulang na Dating Pangulo habang tuluyan nang na-discharge sa ospital ang kabiyak niya.
Matatandaang nilipat sa ICU si Bush noong Miyerkules at naka-ventilator para lang makahinga.
Samantala, mismong ang 91 taong gulang na Dating First Lady ang nagsabing 100 porsyentong maayos na ang kanyang pakiramdam mula sa pagkakasakit ng bronchitis.
By: Avee Devierte