Pumanaw na si dating US Secretary of State Colin Powell sa edad na 84 dahil sa komplikasyong dulot ng COVID-19 sa gitna ng pakikipaglaban sa cancer.
Si powell, ang kauna-unahang African-American Secretary of State na tumatak sa ilang republican administration na humubog sa American foreign policy sa nakalipas na mahigit dalawang dekada.
Kinumpirma ni Peggy Cifrino, Chief of Staff ng dating high-ranking US official, na bagaman fully vaccinated, hindi na kinaya ng katawan nito ang multiple myeloma, cancer sa dugo at Parkinson’s disease.
Si Powel, na isa ring dating National Security Adviser at Chairman ng Joint Chiefs of Staff sa panahon ni dating President George W. Bush, ang naging daan upang maglunsad ng digmaan ang Estados Unidos laban sa Iraq, noong 2003.—sa panulat ni Drew Nacino