Posibleng bumalik sa Department of Agriculture si dating Undersecretary Leocadio Sebastian matapos absuweltuhin ng Malakanyang sa sugar importation fiasco.
Ito ang inihayag ni DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez matapos ibasura ng Office of the President (OP) ang administrative complaint laban kay Sebastian at iba pang opisyal ng Sugar Regulatory Administration.
Kinabibilangan ito nina dating SRA board Administrator Hermenegildo Serafica, Board Members Roland Beltran at Aurelio Gerardo Valderrama Jr.
Ayon kay Estoperez, tinatalakay na nila sa kagawaran ang posibleng pagbabalik ni Sebastian o kung anong magiging posisyon nito sakaling italaga muli ni Pangulong Bongbong Marcos, na nagsisilbi namang DA secretary.
Nirerespeto anya nila anuman ang desisyon ng OP na absweltuhin ang sina sebastian maging ang pasya kung pababalikin ito sa DA.
Gayunman, hinimok ni Estoperez ang dating DA official na makipag-usap muna sa OP upang mas maging malinaw ang issue.