Patay ang dating Vice Mayor ng Lobo, Batangas at kasalukuyang Sangguniang Bayan Secretary matapos pagbabarilin habang nagtatalumpati sa isang party.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktma na si Romeo Sulit na nagsasalita pa sa Barangay Tayuman nang lapitan siya ng gunman at barilin sa ulo.
Agad namang nakatakas ang gunman na may kasama pang look-out sakay ng motorsiklo.
Isinugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay.
Wala namang nababalitaan ang mga kamag-anak ng biktima na nakaalitan nito para gawin ang karumal-dumal na krimen.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga salarin.