Patay sa aksidente si dating Nabua, Camarines Sur Vice Mayor Edgar Pastoral nang mabagok ang kanyang ulo matapos mahulog mula sa motor sa Camarines Sur.
Pupunta sana sa lamay si Pastoral nang mabangga ng isa pang motorsiklo ang motor kung saan siya naka-angkas.
Ayon sa drayber ng sinakyang motor ni Pastoral, liliko sana sila sa U-turn sa highway para magpakarga ng gasolina nang sumalpok ang isa pang motor.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima at tumama ang kanyang ulo sa semento.
Samantala, nahuli naman ang rider ng nakabanggang motorsiklo na kinilalang si Ramon Santor kung saan iginiit niya na bigla na lamang tumawid ng kanto ang sinasakyang motor ni Pastoral at wala rin umano itong signal light.
Posibleng maharap si Santor sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
By Meann Tanbio