Nagkasundo na rin sina dating Vice President Jejomar Binay at dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado.
Ito’y makaraang magkalamat ang relasyon ng dalawa dahil sa usapin ng pulitika makaraang tumakbo bilang alkalde ang sinibak na si Mayor Junjun Binay.
Nangyari ang pagkakabati ng dalawa sa isang kainan sa Makati City kung saan, isang malapit na kibigan ng dalawa ang namagitan sa kanila.
Ayon kay Binay, natuto siyang magpatawad mula nang maging aktibo siya sa isang bible group habang inamin naman ni Mercado na dinamdam niya ang pagkakaroon nila ng sigalot ni Binay.
Gayunman, nilinaw ni Mercado na kahit nagkasundo na silang dalawa ng dating Pangalawang Pangulo, tuloy pa rin ang kaniyang pagtestigo laban dito sa mga kasong kaniyang inihain laban dito.
By: Jaymark Dagala