Binasahan na ng sakdal si dating Vice President Jejomar Binay sa ikatlong dibisyon ng Sandiganbayan.
Ito ay para sa kanyang mga kinakaharap na kasong falsification of public documents, graft, malversation of public funds kaugnay sa mga umano’y maanomalyang transaksyon para sa pagtatayo ng Makati City Hall Building 2.
Ang conditional arraignment ay upang makapag pasya na ang Korte kung papayagan siyang makabiyahe patungo sa Israel sa Mayo 15 hanggang 29, para sa isang pilgrimage.
By Katrina Valle |With Report from Jill Resontoc